Monday, April 13, 2009

Still here

Ofcourse I'm still here, and I'm still blogging, thank you very much! Everyday na ata ako nagpopost ng blog ngayon dito. About anything in particular or nothing in particular pala. I decided not to write anymore or make it just a hobby. Concentrate na lang ako sa pagtitinda ko. For now. Hindi tumawag si James dahil siguro off niya ng Monday, kahapon, and Tuesday, ngayon. May mga napag-usapan kami na hindi dapat na pag-usapan ng mga bagong magkakilala pa lang but I took the risk and maybe I'll pay for it later but what the heck, right? About writing ulit, puro journals na lang siguro ang isusulat ko. Short stories and some knick knacks. I don't know how to 'make lago' my business with small capital. Para tuloy lumalabas na nagtitinda-tindahan lang ako. Pero sana naman hindi at tumagal siya ng mas longer pa sa pagtitinda ko dati which is 1 and a half years ata. Pier 17? Hmm! what can I say, magiging hip place to roam and run wild kaya ang place na ito if it is in Batanggas? Ang gulo kasi ng map know how ko sa place na yon eh. All I know is there is a Matabungkay, Batanggas and it's a beach full of balsa's. Hehehe! So to cut this short, run free and run wild. Life is short, live to the fullest. And may God Bless us everyday!

Sunday, April 12, 2009

About Something

About something. Pier 17, nililikom ko ang lahat ng pwede kong maging idea about this certain place but it's not about this place ang isusulat ko. James Santillan, we talked last night and I was able to confide in him some of my darkest secrets and he did said to me one of his. Hindi ko na lang isusulat dito. I don't where this 'friendship' is going for us. To think na napunta na sa ganoong klaseng conversation kami. Don muna. It's as if hindi ko na masyadong iniinda ang pagiging writer, ang pangarap kong yon. Nawala na lang siya na parang bula. Siguro nga di ko na siya dapat na ipursue pa. No pressures for now. I guess. Until a time being na lang siguro. So I'll just leave this blog up to whoever will read it. Sana di siya mabored.

Saturday, April 11, 2009

The Concert Hall

Siguro gagawa ako ng blog about the Concert Hall ng Pier 17 at hahaluan ko siya ng ibang topic since yun na nga ang ginagawa ko recently eh. Ang CH ay maliit na lugar lang sa mind ko. Actually parang typical bar lang naman siya at hindi talagang pangconcert where me mga tables na kulang kulang sa dose piraso at me stage. Pero since me mall nga at iba pang amenities ang Pier 17 I decided na icompare siya sa concert hall ng MOA. Siguro pwede ko ring icompare ang Pier 17 sa MOA na malapit siya sa Manila bay. Yun nga lang ang setting ng Pier 17 ay sa Matabungkay, Batanggas. Di ko lang alam kung saan ko siya isisiksik don. For now ang gusto ko sanang ipasa muna at tapusin ay kung hindi yung kay Rew and Yui ay yung Romeo's Romance. It's still in the process o in short, nakatengga pa siya. So bilang paghahalo ng ibang topic dito, nagkasakit si mama recently, vertigo and stress siguro na may kasamang rheumatism. Naaawa na ako kay mama pero I got the opportunity to watch Seventh Heaven and Ghost Whisperer Marathons kaya pumasok sa mind niya na nagaaksaya nanaman ako ng kuryente. Di ko naman siya masisisi. Yon na lang kasi ang outlet ko para sa sakit ko (na ayaw niyang sabihin ko rin), para sa kanya kapag nakainom na ako ng gamot ay magaling na ako. Well, anyways ang complicated kasi ng sakit ko kahit na di ganoon kacomplicated ang life ko. Para bang nahahalo ang balat sa tinalupan, na isama mo pa yung pinagkainan. Pagmamalabis na ba yon? Well, anyways I still want to write kahit na magulo siya o hindi na siya romance. Just anything under the sun. An essay o a short story or a blog entry. As simple as that. Wish life could be much simpler. Siya nga pala, it's Easter Sunday! Happy Easter!

Friday, April 10, 2009

First

Ang first entry ko sa Pier 17 is yung story ni Rose and Alvin. Ang aspiring singer at ang manager ng Kenny Rogers. Wahehehe! For revise ang story dahil pinabasa ko siya kay Ms. Sofia. Ang tanging pumasok sa utak ko ay ang sinabi niyang may potential ang scenes ng story. Puro negative na kasi ang ibang comments niya na tinanggap ko naman. Wahehehe! Anyways I'm just listening to worship songs. May tumatawag sa akin recently, Si James Santillan. He is 40 years old and he is finding a friend daw through phone. Isang linggo na rin siyang tumatawag, matagal-tagal na rin. Lagpas na sa 5 day period. Magtagal kaya ang isang to? Tutal through phone lang naman at friendship lang naman. No pressures. Balik tayo sa Pier 17, nasa mind ko pa lang ang mga characters and scenes don. Actually ang place talaga ang una kong naisip. Sumunod na lang ang characters at dahil nga don nasobrahan ako ng pakilala ng cameo roles. Sana mawala na ang saltik ng utak ko. Kahit matagalan bago siya matapos ay itatry ko pa rin. Pero sa ngayon magtitinda muna ako ng kung anu-ano para magkapuhunan para sa paphoto o paID. Ciao!

Thursday, April 9, 2009

About Pier 17

Pier 17 is really a place where you can hang-out. Meron siya ng lahat ng masasabing regular na puntahan ng mga tao like mall, bars, restaurant, hotel and ofcourse ang pinasikat ay ang concert hall. Atom Nievera owns the place and umiikot sa kabuuan ng place ang love stories ng mga nagtratrabaho and if not, mga regular don. Naisip ko siya pagkatapos kong isulat ang short stories na kaakibat sa Apartment Series at yung story ng iba pang characters noong year 2006 pa. Sa kasamaang palad ang first novel na natapos ko sana doon ay nareject ni Ms. Sofia. So pinag-iisipan ko pa kung itutuloy ko pa ang Pier 17. Isa lang naman yong concept para sa akin. Syempre kailangan pa rin i-build ng husto ang plot at iba don. Sa blogspot na to hindi ko nafocus sa Pier 17 ang mga entries ko kundi kung anu-ano lang ang sinulat ko dito. Pero yun na nga rin ang use ng blog eh, para masulat mo ang gusto mong isulat. No pressure naman eh. So that's it for now..

Wednesday, April 8, 2009

Something on the side

Inuna ko na ang paggawa sa story ni Yui and Rew. Yon ang focus ko ngayon. Kasi di na talaga pwede ang short stories ko. Siguro hobby na lang muna ang pagsusulat sa akin para 'no pressure'. Ganon talaga! Hindi naman sa lagi kong dinadown ang sarili ko. O baka ganon na nga. Maaga ulit ako nagising. That's my dilemna recently, sleep. I'm coping, and starting a new. It's hard. Life is hard. Deal with it! Ganon siguro ang sasabihin ng isang matatag na tao. I pray to God na dumating ang araw na hindi ko na kailangan ang gamot at mananalig na lang ako sa kanya. Nothing is impossible with Him naman eh. He will provide my needs kaya tinataas ko na lang sa kanya ang lahat ng worries, anxiety, depression na meron ako.

Tuesday, March 31, 2009

Stillness of the moment

It's quite a right decision not to message Jhun anymore. But I still want to hear his voice. Bakit? Dahil meron siyang magandang tone of voice na mahirap kalimutan. I can't believe na I'm still talking about the same guy for days now. Pero sure ako na hindi naman ako in-love sa kanya. Siguro nung una oo, kaya lang yung stillness ng moment ay nawala na. Sayang talaga ang isang gaya niya. I do hope he gets to meet a woman willing enough to make that 'decision', to keep him.
Naisip ko lang din bakit kaya stillness of the moment ang titulo ng blog na ito? Pumasok lang siguro siya sa isip ko. Ang mga lalake talaga, di makuntento sa isang babae lang. Hindi si Jhun ang sinasabi ko ah. Pero, siguro, marahil, datapwat ganon din siya. O baka ako ang ganon. Saka ko na lang siguro iisipin ulit. Kapag nagkaroon ulit ng pagkakataon. That again!

Saturday, March 28, 2009

Cry

Kahit isang pagkikita lang. Kahit isang kiss lang. Kahit isang yakap lang. Kahit yun lang.
Di ako makapaniwala na hiniling kong lahat yon habang umiiyak noon. Sana ang hiniling ko na lang ay magkaroon pa ako ng gamot sa mga susunod na araw. Parang talagang nagustuhan ko ang taong yon. Di naman maaalis na humanga ako kay Jhun kasi ang ganda naman talaga ng boses niya sa phone at mukhang napakabait pa niya. Kaya lang nung sinabi niya 'Decide', hindi ako makaumang. If I really wanted to see him, I'll find a way. Kulang ang pagkakuryenteng pusa ko. Paano ko kaya gagawin yon. Kung imee-meet ko siya sa isang lugar mas madali pa sana. Okay na ang malaman kong mabuti siyang tao at makakuha ng balita sa kanya every now and then. But, it all came to a complete halt. Inalis niya ako sa tagged at di na nakipagcommunicate sa akin. Na-offend siguro siya sa sinabi ko sa mind ko na "Maybe I need sex." That was it. Sayang, but I know I can handle it. Nung nakaraan nga kinocompare ko pa siya kay Adri pero sana naman naman unlike Adri eh di tumagal ang obsession ko sa kanya ng what? 5 years? So as this takes it's toll I'll pause this with a large jolt... Creeekkk!!!

Wednesday, March 25, 2009

A dream about writing

I dreamt about writing. It was a nice dream because it's so full of hope. The only thing is I forgot the whole thing. Ang naalala ko lang eh kung hindi ako pwede magsulat ng romance ay horror ang pasukan ko. Siguro in a way nag-advice sa akin ang dream ko. I even dreamt about ate Dette and in that dream she is a young girl aspiring to be a writer, too.

Nakakagutom, kain muna me. Write ulit mamaya!

Mr. Something

He was really something. Someone nice to talk to. And you can easily fall in love with the voice. Sino pa kundi siya na yon. I met him last Feb 10 ata yon. Basta a few days before Valentines day. Kakaiba ang nagagawa ng tagged sa tao. Kapag kausap ko siya minsan sa phone di ako makapagsalita. Until the dreaded limbo came sipping in. I know he heard me. The familiar tone of voice was there. Hindi ko talaga matatakasan ang nakaraan ko. Kung pwede lang sana. Yes he has two kids and he's separated but what the heck, right? Magmee-meet na lang sana kami pero di natuloy dahil nagwithdrawal ako. Maybe it's really not meant to be. I remembered how he described himself sa tagged. Tall, dark and handsome daw oh. Pero one thing is sure si Mr. Something really like girls. Ang dami kayang girls sa friends list niya. Wala nga atang lalaki sa mga yon. I thought, ako lang kaya ang tinawagan niya noon? Oh well, life goes on. One things for sure hindi ako nagsisi that I met him. Back to the old drawing board.

Sunday, March 22, 2009

Dumadaan na lang

Tama. Dumadaan na lang sa isip ko ang mga thoughts ko and I think I have no control over them. Sometimes magugulat na lang ako na nasabi ko na pala yon sa isip ko. I think people can hear me but maybe it's just me talking to myself and thinking so loudly that I can talk with someone else's voice. Anyways, masarap magsulat ng ganitong oras. Feeling ko I have all the time in the world. I'm carefree and can soar to the sky. But maybe it's still my mind talking. Actually wala naman talaga akong maisip na maisulat. What can I say? It's so early to tell the weather but I guess it'll be a sunny day. Ang sarap lang magtype ng mga bagay na kahit walang katuturan ay natratranslate pa rin into words. Fascinating! Hope I can really talk to someone about this delusions that I'm having. A close friend of some sort. Minsan ang hirap makacope with Schizophrenia. Sometimes I'm just plain paranoid. Oh well, life goes on. So I decided to end this right here.

Wednesday, March 4, 2009

Mental Block

Writer's Block, not really.

A mental block is an informal term used to mean either repression of painful thoughts, or an inability to continue a train of thought, like in the case of writer's block.
It is often used to describe a temporary inability to recall a name or other information.
Source: Wikipedia

Totoo kayang Writer's Block lang ito o isang episode sa buhay ng tao kung saan wala siyang ideya kung meron nga talagang laman ang utak niya o wala. O baka wala lamang siyang inspirasyon. Kailangan nga ba non? Sabi nila kung gusto mong magsulat ay natural na yong dadaloy mula sa isip mo patungo sa iyong mga kamay.

May isang salita akong di malirip sa isip ko kahapon at kinailangan ko pang tanungin ang kaibigan ko para mapatunayan lang o malamang iyong talaga ang salitang naisip ko.

Ngayong araw na to' may mga naririnig pa rin akong mga nagsasalita sa isip ko. Totoo man siya o hindi parang gusto ko na ulit maniwala na ang mahalaga ay hindi naman ganon kaimportante. Ang mga salita o mga panaginip ay mahirap nga talagang abutin at ang mga panalangin ay isang listahan lamang.

Bumalik nanaman ako sa dati kong itsura na tila ba apektadong apektado ako. Walang sigla ang mukha ko at lagi na lang nakasimangot o di kaya ay nakatunganga lang sa kawalan. Tapos yung mga sandali ay parang lumilipas sa bawat pagpihit ng oras.

... Siphayo... Kahungkagan...

Ang ellipsis ay simula lang ng bagong pangungusap...

Wednesday, February 25, 2009

Wide awake!

2/26/2009 3:28 AM Thursday

It’s so early in the morning to write but what the heck, right? I have this gnawing feeling about writing. I want to indulge in this as possible as I can. While listening to old, soft music.
Today I’ve uploaded photos that has been long overdue in friendster. Then I managed my emails on my hotmail account. Forwarded some of them. Now I’m posting a blog on blogger, surfing the net for the series numb3rs and so forth and so forth.
I’m hearing things once again. And I think it’s some kind of real and some kind of not. Kasi naman ang aga para may magsalita ng ganitong oras sa utak ko. And then ‘thought broadcasting’ came to me. Whenever I have a niche for writing and my brain is going here and there that’s when it comes. Tapos naiisip ko pa si Jhun. Na sa palagay ko ay ‘hindi ko ba alam’ naiilang na sa akin? And this guy in my head is portraying to be him kahit na magkaiba ang boses nila. Don ka naman talagang di maniniwala.
It’s my second cup of coffee. Sumasakit ang ulo ko pag inappropriate time ako umiinom ng kape. So siguro my next cup with be milo. Yun nga lang baka maging hyper ako. Wag naman sana at mabubulilyaso ang pagsusulat ko o ang fun ko sa internet.
Napapansin ko na naiinis na sa akin si papa dahil sa kakacomputer ko. Hindi lang dahil nag-aaksaya ako ng kuryente kundi dahil di ako maasahan sa pagtitinda ng ice candy. Kagabi nang makita niya akong pabiling-biling at palipat-lipat sa mga kwarto ay sinabi niyang matulog na daw ako sa kama ni mama. And then may mga sumunod siyang mga sinabi na pilit ko na lang na inignore. Baka makasama nanaman sa akin ang sasabihin niya at mawala nanaman ako sa mood.
Sana maging maayos na si papa. Napapansin ko naman pag nandito si Marius na masaya siya eh. Siguro kailangan niya lang talaga ng may ginagawa o inaalagaan. Para sa kanya siguro sapat na ang magpasaya ng ibang tao kung kaya naman niyang ibigay yon. O di kaya makapagbigay ng pagkain sa mga mahal niya sa buhay. Nawalan na kasi siya ng existence nung nagretire siya. Feeling ko lang.
Nag-iisip pa ako ng ibang paraan para magkaroon naman ng saysay ang life ko. Sabi ko babalik ako sa Gawain. Makikisalamuha uli ako sa Church members. At sana magstay na ako don. Tapos gusto ko ring magpunta kila kuya Ronald sa Binangonan para makapagtinda dun ng gantsilyo o kung pwede eh makapagturo. Kailangan ko nga lang ng sinulid. Marami-rami pa naman yung sinulid dito. Sapat na siguro yon.
Sana di ko sinayang yung mga beads ko. Sa palagay ko naman kahit papaano eh nagamit ko na rin siya sa magandang paraan. Nakapagpamigay ako ng mga keychains at anek anek dun. Yun nga lang di bumalik ang puhunan ko don.
Huwag naman sanang itulot ng Diyos na habambuhay na lang akong magtinda ng ice candy. Tanggap ko na in a way. Din a rin ako masyadong masungit sa pagtitinda na di tulad ng dati na konting sigaw lang ng bibili eh napapasimangot na ako. Kaya siguro kumonti ang buyer naming. Sana naman hindi.
Si Kira naiisip ko rin minsan. Kaso din a ganoon kadalas yun. Nagloo-look forward na lang ako sa time na magkaroon uli ng bagong aso sa bahay. Sana magpa-liven up naman yon dito sa bahay. Karaniwan kasi ay boring ang bahay.
Speaking of bahay. Ang ginagawa ko lang dito na talagang masasabi mong chore ay paghuhugas ng plato. Sabi ni mama sana kahit underwear ko lang ay malabhan ko. Siguro maglilinis na rin ako every now and then.
Wish k okay God na yung mga pinangako kong gagawin ko ay matupad na. Na sana sipagin ako sa araw-araw. At don na yon nagtatapos.

Ang mga kaibigan ko, marami sa kanila ang may kanya-kanya nang lovelife at buhay. Yung iba may mga asawa’t anak na. Hindi naman sa naiinggit ako. Kaso lang kahit ganito naman ako pwede ko rin namang gawin yon, diba?
Palagay ko din a ako makakatulog nito. Kailangan kong magpretend na tulog mamaya para hindi naman isipin ni mama na nag-aaksaya nanaman ako ng kuryente o ang aga kong magcomputer.

Just a thought

Kailangan kong maniwala na may lagpas sa ordinaryong mangyayari sa buhay ko. Yon ang mga katagang narinig niyang binigkas niya sa kanyang sarili. Layon ng kanyang puso na magpursige pa. Layon naman ng kanyang isip na pumunta sa ibang direksyon. Sa direksyon na ayon sa kanya ay higit sa nais ng kanyang puso. Kung gaano kadaling pumasok ang realisasyon ay dagli rin namang pumasok ang pagbalom ng pag-asa. Nabawasan ang mga ngiti at tila naging maigting ang kalungkutan kaysa ng mga sandaling di pa ito ang dahilan.

Monday, October 20, 2008

Applying a job online

This past few days I've been surfing the web for online job that are home based. I come up with payperpost, writers.ph and essays.ph It's okay naman kaso wala pang result. Anyways hope it pays good.

Monday, February 4, 2008

hi

hello to all! everyone and every else!