Tuesday, November 9, 2010

Mama's Bday

60th bday na ni mama sa huwebes pero mukhang wala akong maiaambag. Sila me kanya2x nang mga balak bilhin sa bday niya. Wala kasi akong pera. Gusto ko sana kahit bulaklak lang or something. Or maybe magdrape ako ng mga sign, ganon. But I don't have the strength to fulfill this. Sa Lunes pa kasi ako magkakapera at me pinaglalaanan na ang perang yon for me. Ganon ako, kahit wala pa ang pera ay iniisip na kung saan yon gagastusin. Maipagmamalaki ko naman sa ngayon na ang perang yon ay pinaghirapan ko. Hindi kasi yon galing sa allowance na bigay ni Auntie. Galing siya sa crochet rackets ko. Hehe. Gusto ko rin magkaroon ng maraming magagandang beadings. BAlak ko kasing mamigay sa mga pamangkin ko. For now medyo okay na ang mga toys para sa inaanak ko. 2 na lang ang kulang. Sana nga maenjoy nila ang mga toys kahit alam kong mura lang ang mga yon. At yung iba lumang klase na. Well dito muna. Gusto ko lang ibuga ang mga iniisip ko. This blog helps. Wish I could post more intriguing or sensible posts here.

Friday, October 22, 2010

NA

I wish I could say I'm not available. Not available to anyone who will just be a part of my life just for today. Kasi naman yung iba me mga kanya-kanya nang mga buhay at kalayaan na tahakin ang kung ano man. Sana magkaroon din ako ng ganoong karapatan. Hahaha.

Since noone naman reads this blogs I just want to post whatever I can. Just for a moment mind thinking or typing. Mahalaga ang bawat oras alam ko. Pero kung pwede lang sana na mastuck ako sa ganitong sitwasyon sa buong buhay ko. Hindi namang maaaring sabihing easy ang life ko. Me mga potensiyal na problema na kailangang kabakahin pero naeenjoy ko ang singleness ko just doing anything I want. Well, wala akong financial freedom ika nga ng ilang nagtratrabaho. Pero masaya ako at medyo kuntento. Isa pa okay din kahit papaano ang spirituality ko.

Mag-isa ako dito sa kwarto ngayon. Nagpapasalamat ako na di puno ang utak ko ng mga basurang isipin. Malaya ako in a way. Gusto ko sanang maging productive sa mga susunod pang araw. Basta lang. Nakakainis din isipin na me mga Job Fairs. For now ito muna.

Tuesday, September 14, 2010

Knitting

It's hard at first learning to knit. Nastrain na ang kamay ko. But it's fun. While it lasts. Hahaha. So I'm watching videos about this things. Mostly crafts and I'm discovering many things. I'm also in a planning process about buying beads and making accessories. Medyo winiwitheld ko lang ang pagiging gastadora ng isip ko at sa katunayan gusto ko magback away sa paghingi ke ate ng pera kasi baka masayang ko lang siya. At imbes na kumita ako e magkandarapa ako sa paggawa ng walang saysay. So heto ako ngayon sinusulat ko tong mga bagay-bagay na to. I want to be positive. Marami na rin naman akong nakikitang nagtitinda sa kung saan saan for example sa Quiapo ng mga beaded items. Mostly coin purses. At marami na rin sa Divisoria ang nagtitinda din ng mga ginantsilyong headbands. Iisipin ko na lang na paramihin ang paninda at kung dumating ang time na kailangan ko na ng pera ay ibebenta ko siya. No matter what.

Ang pagsusulat ay di ko na masyadong iniinda. I was a need and a want that became obsolete. Alam ko na nangako ako na di ako susuko hanggang maging 30 ako. Pero me time pa naman. Gusto ko lang linawin na once and for all ang isip ko ng hindi naman ako mapunta sa loophole.

So I'm happy with my life right now. Quite contented kahit alam kong medyo mahirap nang iraos ang buong araw. Me mga gusto ako na di ko makamit dahil di nga ako nagtratrabaho para don. Pero naisip ko, nakakatulong na rin naman ako sa pang-araw-araw namin eh. Mga simpleng bagay lang tulad ng paghuhugas at paglalaba. O pagpapalit ng tubig sa pitsel. Mga konting tulong. Ayos na sa akin yon.

Yung dreams ko nauuncover ko pa rin don ang mga hidden desires ko sa life. But once again they're only dreams. Medyo mahaba na pala to. Dito muna. Ciao!

Friday, April 9, 2010

Walang Maisulat

Hindi totoong wala kang maisulat. Di mo lang kayang habulin ang nasa isip po at isalin yon sa mga letra na dapat mong ipita sa keyboards. Hindi totoong wala kang maisip dahil basal ang utak mo ng mga bagay na sadyang ang hirap lang talagang arukin. Ganon nga ba?

Eto ako ngayon nagrereminisce kung gaano ako kacute, kaganda (libro) at kapayat dati. Ganon pala kapag nasa stage ka na na tinatawag na tomorrow (bukas) ang present mo na ngayon ay dati na or yesterday na dun mo lang makikita at mapipinpoint kung anong mga magandang bagay ang dumating sa buhay mo. Kailangan talaga me concrete na proof.

Naisip ko lang. Sana ginamit ko na lang ang kakyutan ko para makahanap din ng isang lalaking kasingkyut ko rin na mamahalin ko. Eh hindi nangyari kaya ngayon iniisip ko ang magpapayat. Meron din naman akong sadyang ganda, hindi nga tulad ng iba. Gaya nitong God of Cookery, Ang cute ni Hamon. Maganda siya! Pero sana mabigyan importansya din yung mga times na hindi siya ganon. Na makita naman yung efforts niya.

Well, lumalayo na ang usapan. Hanggang sa muli mga bata!

Monday, April 5, 2010

Can't write

Oo nga dragging ang mga kwento ko. Kailangan din bang alisin ko ang pangangarap kong ako ang heroine sa mga sinusulat ko. Parang mahirap atang imaginin ang isang heroine na nagma-make love sa isang guy. Paano ko mag-fe-feel yon?

No income can really twist things up. Pero being contented can be helpful at times. Lalo na at hindi ko hawak ang mga maaaring mangyari sa akin. Meron na rin namang rason ang buhay ko kaya di ko gaanong tinatanong pa.

I want to create a conflict na me dating o kakaiba. Na makakacreate pa ako ng bago sa dinami-dami ng mga librong nasulat na. Ano kayang conflict yon? Something current like having a platonic love with someone. O di kaya finding something different in this life and writing it.

Yun tipo bang nakasalalay na lang sa panaginip ang ikabubuhay mo. Ano pa ba ang maaari kong sabihin? Yon na lang siguro sa ngayon.

Monday, March 29, 2010

For the record

It's a nice day thus far. Heehehe! Somethings in store ahead of me. Ewan ko kung sa akin talaga mangyayari. Pero mukhang darating na talaga ang pagbabago. Ayoko na sanang magsulat dito at sa journal na lang. Kaso nasabi ko, wala lang. Siguro dito na muna.

Sunday, March 28, 2010

I want to be deleted

The title doesn't really reflect what I feel. I had a chat with Ate Dhole and she is having a hard time with ate Ruth, because the latter has been stealing identity and money from her. I just hope that they can resolve their dilemna. Totally nang walang tao sa paupahan sa baba so ang susunod naman ay ang pag-aayos at pagkukumpuni ng mga sirang meron don, pagpipintura, etc. Di ako gaanong excited na bumalik sa kwartong ito. I have hesitations lalo na dahil feeling ko may ghost sa kwartong ito na gustong pigain ang kaluluwa ko. But all the same I still want to sleep again here. Dahil na rin late na ako, late being 10-11pm na ako nakakatulog lately dahil na nga rin sa panonood ni mama ng tv hanggang ganoong oras.

Isa pang issue na kailangan kong ayusin ay ang annual eb namin ng youthzone chatters. Wala akong perang pwedeng ipang-eb sa ngayon. Nakaligtaan ko kasing maglaan para don. So pihado na aasa nanaman ako sa allowance na ibibigay ni Auntie Ely.

Pupunta uli kami ngayong ospital para dalawin sa Tita Edith. Sana nasa good mood siya ngayon. At maayos naman ang pakiramdam niya. Pinag-pra-pray ko siya lately and I hope God hears my pleas.

Well, wala na akong gaanong gustong i-discuss. Maybe next time na lang uli. At sana naman habaan ko na sa susunod.

Saturday, March 27, 2010

Nagpapakasaya

Yan ako nitong mga nakaraang araw. Sinasayang ko ang oras ko sa paglilibang sa aking sarili. Oo nga at tumutulong ako sa bahay pero di ganoon kabigat ang mga ginagawa ko. Kailan ko pa kaya marerealize? Sana hindi maging huli ang lahat. Bukod sa pag-aaksaya ng kuryente medyo pumapasok na ako sa zone ng 'change' na masasabi. Si Ate Rina at Ate Mhay ay buntis. Nangangampanya na ang mga tatakbo bilang opisyal sa Mayo. At me mga bagay na sadyang kakaiba. Pero naroon pa rin ako sa zone na tinatawag kong 'routine'. Ewan ko kung ano pang sunod na isusulat. Basta lang.

Thursday, March 11, 2010

Umuulan na

Sa wakas umulan din pagkatapos ng ilang linggong sobrang init ng araw. Ngayon lang uli ako naging masaya na umuulan. Dahil sa problema sa El Nino nanganganib na maubos ang inimbak na tubig sa mga dam. Maghihirap ang mga taong kumuha ng tubig. Kakaiba talaga ang feeling na dulot ng ulan. Nag-iiba ang kulay ng paligid at lumalamig sa pakiramdam. Kahit na alam mong hassle dahil kailangan mong magdala ng payong pag aalis, tila mas maganda na yon kaysa naman masunog ang balat mo sa araw. Eto rin yung mga pagkakataon na gusto mong manatili na lang sa bahay at magmuni-muni. Oh ulan! Buti at dumating ka na. Kaso hanggang kailan kaya ito? Masosolve kaya nito ang pangambang dulot ng El Nino. Sana! O sige maglalaro lang muna ako sa Facebook at panaka-nakang magsusulat dito.

It's a Wow

Tagal ko na ring di nakakasulat dito. Wala naman gaanong pinagbago sa buhay ko. Ganito pa rin, paggising sa umaga computer agad. Minsan nagbabasa ako ng mga cheap books ko na mga me sense naman na binibili ko sa Booksale pag me pagkakataon. Then I do my usual na paghuhugas ng pinggan, paliligo at toothbrush. Nagkaroon ako ng overwhelming feeling to write again since nalaman ko about sa isang new publishing house, ang Chapters of the Heart. Di naman nila nireject ang pinasa kong novel but it was meant for thorough revision. As in halos lahat ay iibahin. Wala daw kasing lalim ang conflicts. Dapat sa umpisa pa lang ay nacapture na ang scenes. Then sabi ng PHR wala daw romance. Si Ms. Sofia sinabing dragging ang kabuuan ng story. Haayz! So ako naman eto wala na talagang pag-asam na maging writer pa. Well, meron konti. Pero di na rin ata matutupad ang kagustuhan kong until 30 years old ay aasamin ko pa ito. Ganon nga ang araw-araw ko. Medyo routine na ang lahat. Sa hapon ang pinaka-highlight ng araw ko ay ang panonood ng mga hapon telenovelas ng Qtv. And then andon pa rin ang pagbabantay ko sa ice candy. I don't know what to do for money anymore. Sana dumating ang time na magkaroon ako ng bagong mapagkakakitaan. Dahil talagang ang hirap ng walang pera. Sa mga susunod na araw ay magsusulat uli ako dito. So for now. Ciao!

Tuesday, October 13, 2009

Overwhelming Desire

I have this overwhelming desire to approach things my way, for what that means. Anyways nakalipas na ang bagyo at sana naman makagulapay ang mga Pinoy sa panahong ito. Pihadong marami pang dadaang pagsubok sa buhay ng tao. Sana kayanin natin ito at sana lagi tayong manalangin. Gusto ko ulit magbasa. Well, gusto ko rin magsulat. Medyo routine na sa akin ang facebook games. Masaya naman ako kasi marami na ang pera ni Mik2x sa PS. Sa wakas ay di na tumatawag si James. Wala nang makulit. I'm looking forward sa EB namin nila Gem and the other dabarkads. And to tell a good news, nakapunta na ako sa Broadway Centrum. Sa susunod ay aagahan ko na para makita ko sila Vic and Joey. And last but not the least, sana makuha na ang perang pinadala ni Tita Melody. Ciao!

Sunday, October 4, 2009

Today is gonna be the day

Well, yes it's from a song. It's a sunny day so far and I just want to write a blog. My nephew is here and ang galing kasi nakakalakad na siya. I wanted to still write but I'm thinking na paramihin ang gantsilyo o crochet creations ko para when time comes eh mabebenta ko ang mga yon. Yon eh kung gutom na gutom na ako at wala nang makain. No boyfriends yet. Even Mr. Denz is out of the picture. Constant text yes but still not a real relationship to hang on to. Matapos ang routine kong games sa Facebook eh magbabasa lang uli ako ng konti at manonood ng tv. So I guess this is it. For now!

Thursday, October 1, 2009

Working on a novel

I haven't got the guts to continue my writing since I was again rejected by My Special Valentine this time. But still I want to finish "Romeo's Romance" up until the 90th page. Masyado pang maaga para sa Pet Society but I'm online so I have to do some thing. Ano kaya? Hehehe! Wala pa masyadong ulan. Mukhang di pa dumarating si bagyong "Pepeng". Sana naman mahina na ang bagyong yon. Masyado nang maraming napinsala para umepal pa siya.

Nothing new really with everyday life. Just the vast constantness that's just there all the time. Well I guess this is it.

Tuesday, September 22, 2009

Nasaan kaya?

Edi heto nanaman ako nag-iisip ng makakasama online o kundi man sa totoong buhay. Nasaan na kaya siya? Yung lalaking itinadhana sa akin. Baka sa sobrang layo ng lugar kung nasaan siya ay may 0.1% lamang na chance na makadaupang-palad ko siya. Bakit kaya ganon? Ang hirap maghanap ang isang matinong nilalang na papatol sa akin. At bakit kaya magpahangang ngayon ay naghahanap pa rin ako. I don't want anymore to know what I can do with it. Sana 'plack' bigla na lang siyang sumulpot at nang matapos na ang pag-aalinlangan ko. At maipagpatuloy ko na rin sa wakas ang buhay ko.

Tuesday, September 8, 2009

Adik sa PS

Adik na adik na talaga ako sa Pet Society. Marami pang ibang games pero don ko gustong yumaman. Balik uli ako sa pagsusulat pero as a hobby lang naman. Nagregress o relapse ako ng matagal eh, almost 3 weeks ata. Ayon medyo okay na feeling ko ngayon. Bago na ulit ang gamot ko, sana mahiyang ako don. Nagpunta ako sa Tondo District Library, next time punta uli me don. Walang bago sa Manpower eh, pero binisita ko si Ms. Sitchon, siguro maraming bagong style sa pagbeabeads pero ganon pa rin ang atmosphere. I think I should read a lot, not just for the brain but to also grow. Ek ek! Gusto ko pang pahabain ito. Nga pala dapat about Pier 17 ito. Next time ko na lang uli eelaborate what's Pier 17 is all about. Pag may pumasok na ideya sa utak ko.

Monday, June 8, 2009

Lately it's been like this

And what is that exactly? Been sleeping most of the time and waiting each day for that moment to watch Bud Brothers on TV. It's been like that for some time. And I watched My name is Kim SAm Soon on Youtube. Am I wasting my time or just wasting electricity? I don't want to say again that I want to write, although I want to read once again. Life is like this. Para ngang eto ang panaginip at ang panaginip ko ang totoo. Ewan! Hindi naman ako gaanong nababahala. Atleast I'm still breathin at hindi na siya gaya ng dati na tila ba kayhirap ang huminga. Matagal na rin akong di nakapagblog, nakakamiss din. Ang bago sa Internet para sa akin ay yung Pet Society, kahit di ko siya gaanong nilalaro. Ano nga kaya ang kahulugan ng buhay?

Monday, April 13, 2009

Still here

Ofcourse I'm still here, and I'm still blogging, thank you very much! Everyday na ata ako nagpopost ng blog ngayon dito. About anything in particular or nothing in particular pala. I decided not to write anymore or make it just a hobby. Concentrate na lang ako sa pagtitinda ko. For now. Hindi tumawag si James dahil siguro off niya ng Monday, kahapon, and Tuesday, ngayon. May mga napag-usapan kami na hindi dapat na pag-usapan ng mga bagong magkakilala pa lang but I took the risk and maybe I'll pay for it later but what the heck, right? About writing ulit, puro journals na lang siguro ang isusulat ko. Short stories and some knick knacks. I don't know how to 'make lago' my business with small capital. Para tuloy lumalabas na nagtitinda-tindahan lang ako. Pero sana naman hindi at tumagal siya ng mas longer pa sa pagtitinda ko dati which is 1 and a half years ata. Pier 17? Hmm! what can I say, magiging hip place to roam and run wild kaya ang place na ito if it is in Batanggas? Ang gulo kasi ng map know how ko sa place na yon eh. All I know is there is a Matabungkay, Batanggas and it's a beach full of balsa's. Hehehe! So to cut this short, run free and run wild. Life is short, live to the fullest. And may God Bless us everyday!

Sunday, April 12, 2009

About Something

About something. Pier 17, nililikom ko ang lahat ng pwede kong maging idea about this certain place but it's not about this place ang isusulat ko. James Santillan, we talked last night and I was able to confide in him some of my darkest secrets and he did said to me one of his. Hindi ko na lang isusulat dito. I don't where this 'friendship' is going for us. To think na napunta na sa ganoong klaseng conversation kami. Don muna. It's as if hindi ko na masyadong iniinda ang pagiging writer, ang pangarap kong yon. Nawala na lang siya na parang bula. Siguro nga di ko na siya dapat na ipursue pa. No pressures for now. I guess. Until a time being na lang siguro. So I'll just leave this blog up to whoever will read it. Sana di siya mabored.

Saturday, April 11, 2009

The Concert Hall

Siguro gagawa ako ng blog about the Concert Hall ng Pier 17 at hahaluan ko siya ng ibang topic since yun na nga ang ginagawa ko recently eh. Ang CH ay maliit na lugar lang sa mind ko. Actually parang typical bar lang naman siya at hindi talagang pangconcert where me mga tables na kulang kulang sa dose piraso at me stage. Pero since me mall nga at iba pang amenities ang Pier 17 I decided na icompare siya sa concert hall ng MOA. Siguro pwede ko ring icompare ang Pier 17 sa MOA na malapit siya sa Manila bay. Yun nga lang ang setting ng Pier 17 ay sa Matabungkay, Batanggas. Di ko lang alam kung saan ko siya isisiksik don. For now ang gusto ko sanang ipasa muna at tapusin ay kung hindi yung kay Rew and Yui ay yung Romeo's Romance. It's still in the process o in short, nakatengga pa siya. So bilang paghahalo ng ibang topic dito, nagkasakit si mama recently, vertigo and stress siguro na may kasamang rheumatism. Naaawa na ako kay mama pero I got the opportunity to watch Seventh Heaven and Ghost Whisperer Marathons kaya pumasok sa mind niya na nagaaksaya nanaman ako ng kuryente. Di ko naman siya masisisi. Yon na lang kasi ang outlet ko para sa sakit ko (na ayaw niyang sabihin ko rin), para sa kanya kapag nakainom na ako ng gamot ay magaling na ako. Well, anyways ang complicated kasi ng sakit ko kahit na di ganoon kacomplicated ang life ko. Para bang nahahalo ang balat sa tinalupan, na isama mo pa yung pinagkainan. Pagmamalabis na ba yon? Well, anyways I still want to write kahit na magulo siya o hindi na siya romance. Just anything under the sun. An essay o a short story or a blog entry. As simple as that. Wish life could be much simpler. Siya nga pala, it's Easter Sunday! Happy Easter!

Friday, April 10, 2009

First

Ang first entry ko sa Pier 17 is yung story ni Rose and Alvin. Ang aspiring singer at ang manager ng Kenny Rogers. Wahehehe! For revise ang story dahil pinabasa ko siya kay Ms. Sofia. Ang tanging pumasok sa utak ko ay ang sinabi niyang may potential ang scenes ng story. Puro negative na kasi ang ibang comments niya na tinanggap ko naman. Wahehehe! Anyways I'm just listening to worship songs. May tumatawag sa akin recently, Si James Santillan. He is 40 years old and he is finding a friend daw through phone. Isang linggo na rin siyang tumatawag, matagal-tagal na rin. Lagpas na sa 5 day period. Magtagal kaya ang isang to? Tutal through phone lang naman at friendship lang naman. No pressures. Balik tayo sa Pier 17, nasa mind ko pa lang ang mga characters and scenes don. Actually ang place talaga ang una kong naisip. Sumunod na lang ang characters at dahil nga don nasobrahan ako ng pakilala ng cameo roles. Sana mawala na ang saltik ng utak ko. Kahit matagalan bago siya matapos ay itatry ko pa rin. Pero sa ngayon magtitinda muna ako ng kung anu-ano para magkapuhunan para sa paphoto o paID. Ciao!