Friday, February 25, 2011

Shorter Hair

Yesterday nagpagupit ako ke Freda kahit alam kong mas mahal siya kaysa sa iba. 70php ba naman. Pero ok naman ang result kahit pinaiklian ko lang. Medyo bumata ang look ko at di na ako gaanong mukhang losyang o manang. Recently ginaganahan uli akong ayusin ang Frontierville account ko sa Facebook. Medyo maayos ayos na siya. Pero kailangan pa rin ng konting adjustments. Pagdating kasi ng ganitong oras. 4:42pm na eh wala na gaanong mapanood at magawa. Well meron namang knitting and crocheting projects kaso medyo nangangalay na ng husto ang kamay ko. It's February 25 nga pala ngayon, 2011. 25th anniversary ng EDSA 1 at hayun nagcecelebrate ang ibang mga tao. Wala naman akong gaanong maisulat. Ang wish ko lang ay magkaroon ng income at makabili ng mga sitsirya. Wala din naman akong gaanong gusto sa buhay. Yung balak kong DVD Player ay mukhang matatagalan pa. Nakakabigay-bigay si papa ng para sa pagkain. And I'm happy to say na di naman kami nagugutom, minsan nga me excess pang food. May God bless us each day. Kahit na nga recently ay may mga kaguluhan sa ibang bansa tulad ng Egypt, Libya, Yemen at Bahrain. Yung mga bansang nasa Africa at Middle East. Ang sigalot nila ay mga protesta laban sa mga tao sa gobyerno nila. Marami ring karahasang nagaganap at mga kalamidad tulad ng pagputok ng Bulkan, baha at mga iba pa. God Bless the World at sana di naman tayo pabayaan ng Panginoon.