Friday, December 31, 2010

Just Wanna Post for 2011

A New Year ahead for all of us. May it be bountiful and wise. Hehe. Wala lang gusto ko lang magpost ng bagong blog dito sa aking pier 17 compilation/ whatever you call it. Kasi bagong taon na at mukhang promising ang taong to. Bida ang yellow ngayong year of the rabbit and that's according to what ate Rina saw on TV. We're great naman. Me myself I'm coping and very thankful na gradually ay nagkakaroon ako ng progress. Yun nga lang iniisip ko ang income ko. Sang lupalop o planeta kaya ako makakahanap uli ng pagbebentahan? Maylyn suggested that I do business with her so that's an option then there's the net. Basta lang gagawa ako ng iba't-ibang design of what I can come up to. And then sana magclick. I need to research (once again) about this stuff. And then there's knitting na gusto ko ring lumago ang kakayahan kong yon. It's a Saturday and still early. Post na lang uli ako next time.

Wednesday, December 8, 2010

It's a December

Nafulfill ko na ang 2/3 ng general cleaning plans ko. Malapit ko na mafill ang mga aginaldo ko sa inaanaks. Ginawa ko nang tig-2 sila kasi baka mabitin. Di ko na bibigyan ng money since wala ako non. Nauudlot ang pagbabayad sa mga raket ko. But hopefully bukas talagang makuha ko na siya. Well, it's been swell. Di na ako nagbabasa. And naubos na ang mga means ko sa paggawa. Kailangan ko na ulit ireplenish ang mga materials na kailangan ko + I have to treat mama to a lumpiang ubod and pay her for the load I get. Anyways, It's a December. Hope fulfilling ang days ahead specially Christmas and New Year. These are the days.

Mabagal ang Internet. Puro Frontierville na lang ang nilalaro ko sa Facebook. It's a merry merry month.

Tuesday, November 9, 2010

Mama's Bday

60th bday na ni mama sa huwebes pero mukhang wala akong maiaambag. Sila me kanya2x nang mga balak bilhin sa bday niya. Wala kasi akong pera. Gusto ko sana kahit bulaklak lang or something. Or maybe magdrape ako ng mga sign, ganon. But I don't have the strength to fulfill this. Sa Lunes pa kasi ako magkakapera at me pinaglalaanan na ang perang yon for me. Ganon ako, kahit wala pa ang pera ay iniisip na kung saan yon gagastusin. Maipagmamalaki ko naman sa ngayon na ang perang yon ay pinaghirapan ko. Hindi kasi yon galing sa allowance na bigay ni Auntie. Galing siya sa crochet rackets ko. Hehe. Gusto ko rin magkaroon ng maraming magagandang beadings. BAlak ko kasing mamigay sa mga pamangkin ko. For now medyo okay na ang mga toys para sa inaanak ko. 2 na lang ang kulang. Sana nga maenjoy nila ang mga toys kahit alam kong mura lang ang mga yon. At yung iba lumang klase na. Well dito muna. Gusto ko lang ibuga ang mga iniisip ko. This blog helps. Wish I could post more intriguing or sensible posts here.

Friday, October 22, 2010

NA

I wish I could say I'm not available. Not available to anyone who will just be a part of my life just for today. Kasi naman yung iba me mga kanya-kanya nang mga buhay at kalayaan na tahakin ang kung ano man. Sana magkaroon din ako ng ganoong karapatan. Hahaha.

Since noone naman reads this blogs I just want to post whatever I can. Just for a moment mind thinking or typing. Mahalaga ang bawat oras alam ko. Pero kung pwede lang sana na mastuck ako sa ganitong sitwasyon sa buong buhay ko. Hindi namang maaaring sabihing easy ang life ko. Me mga potensiyal na problema na kailangang kabakahin pero naeenjoy ko ang singleness ko just doing anything I want. Well, wala akong financial freedom ika nga ng ilang nagtratrabaho. Pero masaya ako at medyo kuntento. Isa pa okay din kahit papaano ang spirituality ko.

Mag-isa ako dito sa kwarto ngayon. Nagpapasalamat ako na di puno ang utak ko ng mga basurang isipin. Malaya ako in a way. Gusto ko sanang maging productive sa mga susunod pang araw. Basta lang. Nakakainis din isipin na me mga Job Fairs. For now ito muna.

Tuesday, September 14, 2010

Knitting

It's hard at first learning to knit. Nastrain na ang kamay ko. But it's fun. While it lasts. Hahaha. So I'm watching videos about this things. Mostly crafts and I'm discovering many things. I'm also in a planning process about buying beads and making accessories. Medyo winiwitheld ko lang ang pagiging gastadora ng isip ko at sa katunayan gusto ko magback away sa paghingi ke ate ng pera kasi baka masayang ko lang siya. At imbes na kumita ako e magkandarapa ako sa paggawa ng walang saysay. So heto ako ngayon sinusulat ko tong mga bagay-bagay na to. I want to be positive. Marami na rin naman akong nakikitang nagtitinda sa kung saan saan for example sa Quiapo ng mga beaded items. Mostly coin purses. At marami na rin sa Divisoria ang nagtitinda din ng mga ginantsilyong headbands. Iisipin ko na lang na paramihin ang paninda at kung dumating ang time na kailangan ko na ng pera ay ibebenta ko siya. No matter what.

Ang pagsusulat ay di ko na masyadong iniinda. I was a need and a want that became obsolete. Alam ko na nangako ako na di ako susuko hanggang maging 30 ako. Pero me time pa naman. Gusto ko lang linawin na once and for all ang isip ko ng hindi naman ako mapunta sa loophole.

So I'm happy with my life right now. Quite contented kahit alam kong medyo mahirap nang iraos ang buong araw. Me mga gusto ako na di ko makamit dahil di nga ako nagtratrabaho para don. Pero naisip ko, nakakatulong na rin naman ako sa pang-araw-araw namin eh. Mga simpleng bagay lang tulad ng paghuhugas at paglalaba. O pagpapalit ng tubig sa pitsel. Mga konting tulong. Ayos na sa akin yon.

Yung dreams ko nauuncover ko pa rin don ang mga hidden desires ko sa life. But once again they're only dreams. Medyo mahaba na pala to. Dito muna. Ciao!

Friday, April 9, 2010

Walang Maisulat

Hindi totoong wala kang maisulat. Di mo lang kayang habulin ang nasa isip po at isalin yon sa mga letra na dapat mong ipita sa keyboards. Hindi totoong wala kang maisip dahil basal ang utak mo ng mga bagay na sadyang ang hirap lang talagang arukin. Ganon nga ba?

Eto ako ngayon nagrereminisce kung gaano ako kacute, kaganda (libro) at kapayat dati. Ganon pala kapag nasa stage ka na na tinatawag na tomorrow (bukas) ang present mo na ngayon ay dati na or yesterday na dun mo lang makikita at mapipinpoint kung anong mga magandang bagay ang dumating sa buhay mo. Kailangan talaga me concrete na proof.

Naisip ko lang. Sana ginamit ko na lang ang kakyutan ko para makahanap din ng isang lalaking kasingkyut ko rin na mamahalin ko. Eh hindi nangyari kaya ngayon iniisip ko ang magpapayat. Meron din naman akong sadyang ganda, hindi nga tulad ng iba. Gaya nitong God of Cookery, Ang cute ni Hamon. Maganda siya! Pero sana mabigyan importansya din yung mga times na hindi siya ganon. Na makita naman yung efforts niya.

Well, lumalayo na ang usapan. Hanggang sa muli mga bata!

Monday, April 5, 2010

Can't write

Oo nga dragging ang mga kwento ko. Kailangan din bang alisin ko ang pangangarap kong ako ang heroine sa mga sinusulat ko. Parang mahirap atang imaginin ang isang heroine na nagma-make love sa isang guy. Paano ko mag-fe-feel yon?

No income can really twist things up. Pero being contented can be helpful at times. Lalo na at hindi ko hawak ang mga maaaring mangyari sa akin. Meron na rin namang rason ang buhay ko kaya di ko gaanong tinatanong pa.

I want to create a conflict na me dating o kakaiba. Na makakacreate pa ako ng bago sa dinami-dami ng mga librong nasulat na. Ano kayang conflict yon? Something current like having a platonic love with someone. O di kaya finding something different in this life and writing it.

Yun tipo bang nakasalalay na lang sa panaginip ang ikabubuhay mo. Ano pa ba ang maaari kong sabihin? Yon na lang siguro sa ngayon.

Monday, March 29, 2010

For the record

It's a nice day thus far. Heehehe! Somethings in store ahead of me. Ewan ko kung sa akin talaga mangyayari. Pero mukhang darating na talaga ang pagbabago. Ayoko na sanang magsulat dito at sa journal na lang. Kaso nasabi ko, wala lang. Siguro dito na muna.

Sunday, March 28, 2010

I want to be deleted

The title doesn't really reflect what I feel. I had a chat with Ate Dhole and she is having a hard time with ate Ruth, because the latter has been stealing identity and money from her. I just hope that they can resolve their dilemna. Totally nang walang tao sa paupahan sa baba so ang susunod naman ay ang pag-aayos at pagkukumpuni ng mga sirang meron don, pagpipintura, etc. Di ako gaanong excited na bumalik sa kwartong ito. I have hesitations lalo na dahil feeling ko may ghost sa kwartong ito na gustong pigain ang kaluluwa ko. But all the same I still want to sleep again here. Dahil na rin late na ako, late being 10-11pm na ako nakakatulog lately dahil na nga rin sa panonood ni mama ng tv hanggang ganoong oras.

Isa pang issue na kailangan kong ayusin ay ang annual eb namin ng youthzone chatters. Wala akong perang pwedeng ipang-eb sa ngayon. Nakaligtaan ko kasing maglaan para don. So pihado na aasa nanaman ako sa allowance na ibibigay ni Auntie Ely.

Pupunta uli kami ngayong ospital para dalawin sa Tita Edith. Sana nasa good mood siya ngayon. At maayos naman ang pakiramdam niya. Pinag-pra-pray ko siya lately and I hope God hears my pleas.

Well, wala na akong gaanong gustong i-discuss. Maybe next time na lang uli. At sana naman habaan ko na sa susunod.

Saturday, March 27, 2010

Nagpapakasaya

Yan ako nitong mga nakaraang araw. Sinasayang ko ang oras ko sa paglilibang sa aking sarili. Oo nga at tumutulong ako sa bahay pero di ganoon kabigat ang mga ginagawa ko. Kailan ko pa kaya marerealize? Sana hindi maging huli ang lahat. Bukod sa pag-aaksaya ng kuryente medyo pumapasok na ako sa zone ng 'change' na masasabi. Si Ate Rina at Ate Mhay ay buntis. Nangangampanya na ang mga tatakbo bilang opisyal sa Mayo. At me mga bagay na sadyang kakaiba. Pero naroon pa rin ako sa zone na tinatawag kong 'routine'. Ewan ko kung ano pang sunod na isusulat. Basta lang.

Thursday, March 11, 2010

Umuulan na

Sa wakas umulan din pagkatapos ng ilang linggong sobrang init ng araw. Ngayon lang uli ako naging masaya na umuulan. Dahil sa problema sa El Nino nanganganib na maubos ang inimbak na tubig sa mga dam. Maghihirap ang mga taong kumuha ng tubig. Kakaiba talaga ang feeling na dulot ng ulan. Nag-iiba ang kulay ng paligid at lumalamig sa pakiramdam. Kahit na alam mong hassle dahil kailangan mong magdala ng payong pag aalis, tila mas maganda na yon kaysa naman masunog ang balat mo sa araw. Eto rin yung mga pagkakataon na gusto mong manatili na lang sa bahay at magmuni-muni. Oh ulan! Buti at dumating ka na. Kaso hanggang kailan kaya ito? Masosolve kaya nito ang pangambang dulot ng El Nino. Sana! O sige maglalaro lang muna ako sa Facebook at panaka-nakang magsusulat dito.

It's a Wow

Tagal ko na ring di nakakasulat dito. Wala naman gaanong pinagbago sa buhay ko. Ganito pa rin, paggising sa umaga computer agad. Minsan nagbabasa ako ng mga cheap books ko na mga me sense naman na binibili ko sa Booksale pag me pagkakataon. Then I do my usual na paghuhugas ng pinggan, paliligo at toothbrush. Nagkaroon ako ng overwhelming feeling to write again since nalaman ko about sa isang new publishing house, ang Chapters of the Heart. Di naman nila nireject ang pinasa kong novel but it was meant for thorough revision. As in halos lahat ay iibahin. Wala daw kasing lalim ang conflicts. Dapat sa umpisa pa lang ay nacapture na ang scenes. Then sabi ng PHR wala daw romance. Si Ms. Sofia sinabing dragging ang kabuuan ng story. Haayz! So ako naman eto wala na talagang pag-asam na maging writer pa. Well, meron konti. Pero di na rin ata matutupad ang kagustuhan kong until 30 years old ay aasamin ko pa ito. Ganon nga ang araw-araw ko. Medyo routine na ang lahat. Sa hapon ang pinaka-highlight ng araw ko ay ang panonood ng mga hapon telenovelas ng Qtv. And then andon pa rin ang pagbabantay ko sa ice candy. I don't know what to do for money anymore. Sana dumating ang time na magkaroon ako ng bagong mapagkakakitaan. Dahil talagang ang hirap ng walang pera. Sa mga susunod na araw ay magsusulat uli ako dito. So for now. Ciao!