Wednesday, February 25, 2009

Wide awake!

2/26/2009 3:28 AM Thursday

It’s so early in the morning to write but what the heck, right? I have this gnawing feeling about writing. I want to indulge in this as possible as I can. While listening to old, soft music.
Today I’ve uploaded photos that has been long overdue in friendster. Then I managed my emails on my hotmail account. Forwarded some of them. Now I’m posting a blog on blogger, surfing the net for the series numb3rs and so forth and so forth.
I’m hearing things once again. And I think it’s some kind of real and some kind of not. Kasi naman ang aga para may magsalita ng ganitong oras sa utak ko. And then ‘thought broadcasting’ came to me. Whenever I have a niche for writing and my brain is going here and there that’s when it comes. Tapos naiisip ko pa si Jhun. Na sa palagay ko ay ‘hindi ko ba alam’ naiilang na sa akin? And this guy in my head is portraying to be him kahit na magkaiba ang boses nila. Don ka naman talagang di maniniwala.
It’s my second cup of coffee. Sumasakit ang ulo ko pag inappropriate time ako umiinom ng kape. So siguro my next cup with be milo. Yun nga lang baka maging hyper ako. Wag naman sana at mabubulilyaso ang pagsusulat ko o ang fun ko sa internet.
Napapansin ko na naiinis na sa akin si papa dahil sa kakacomputer ko. Hindi lang dahil nag-aaksaya ako ng kuryente kundi dahil di ako maasahan sa pagtitinda ng ice candy. Kagabi nang makita niya akong pabiling-biling at palipat-lipat sa mga kwarto ay sinabi niyang matulog na daw ako sa kama ni mama. And then may mga sumunod siyang mga sinabi na pilit ko na lang na inignore. Baka makasama nanaman sa akin ang sasabihin niya at mawala nanaman ako sa mood.
Sana maging maayos na si papa. Napapansin ko naman pag nandito si Marius na masaya siya eh. Siguro kailangan niya lang talaga ng may ginagawa o inaalagaan. Para sa kanya siguro sapat na ang magpasaya ng ibang tao kung kaya naman niyang ibigay yon. O di kaya makapagbigay ng pagkain sa mga mahal niya sa buhay. Nawalan na kasi siya ng existence nung nagretire siya. Feeling ko lang.
Nag-iisip pa ako ng ibang paraan para magkaroon naman ng saysay ang life ko. Sabi ko babalik ako sa Gawain. Makikisalamuha uli ako sa Church members. At sana magstay na ako don. Tapos gusto ko ring magpunta kila kuya Ronald sa Binangonan para makapagtinda dun ng gantsilyo o kung pwede eh makapagturo. Kailangan ko nga lang ng sinulid. Marami-rami pa naman yung sinulid dito. Sapat na siguro yon.
Sana di ko sinayang yung mga beads ko. Sa palagay ko naman kahit papaano eh nagamit ko na rin siya sa magandang paraan. Nakapagpamigay ako ng mga keychains at anek anek dun. Yun nga lang di bumalik ang puhunan ko don.
Huwag naman sanang itulot ng Diyos na habambuhay na lang akong magtinda ng ice candy. Tanggap ko na in a way. Din a rin ako masyadong masungit sa pagtitinda na di tulad ng dati na konting sigaw lang ng bibili eh napapasimangot na ako. Kaya siguro kumonti ang buyer naming. Sana naman hindi.
Si Kira naiisip ko rin minsan. Kaso din a ganoon kadalas yun. Nagloo-look forward na lang ako sa time na magkaroon uli ng bagong aso sa bahay. Sana magpa-liven up naman yon dito sa bahay. Karaniwan kasi ay boring ang bahay.
Speaking of bahay. Ang ginagawa ko lang dito na talagang masasabi mong chore ay paghuhugas ng plato. Sabi ni mama sana kahit underwear ko lang ay malabhan ko. Siguro maglilinis na rin ako every now and then.
Wish k okay God na yung mga pinangako kong gagawin ko ay matupad na. Na sana sipagin ako sa araw-araw. At don na yon nagtatapos.

Ang mga kaibigan ko, marami sa kanila ang may kanya-kanya nang lovelife at buhay. Yung iba may mga asawa’t anak na. Hindi naman sa naiinggit ako. Kaso lang kahit ganito naman ako pwede ko rin namang gawin yon, diba?
Palagay ko din a ako makakatulog nito. Kailangan kong magpretend na tulog mamaya para hindi naman isipin ni mama na nag-aaksaya nanaman ako ng kuryente o ang aga kong magcomputer.

Just a thought

Kailangan kong maniwala na may lagpas sa ordinaryong mangyayari sa buhay ko. Yon ang mga katagang narinig niyang binigkas niya sa kanyang sarili. Layon ng kanyang puso na magpursige pa. Layon naman ng kanyang isip na pumunta sa ibang direksyon. Sa direksyon na ayon sa kanya ay higit sa nais ng kanyang puso. Kung gaano kadaling pumasok ang realisasyon ay dagli rin namang pumasok ang pagbalom ng pag-asa. Nabawasan ang mga ngiti at tila naging maigting ang kalungkutan kaysa ng mga sandaling di pa ito ang dahilan.