Tuesday, November 1, 2011

Doing the sexy stuff

Don't mind again the title. It's just the first thing that popped off my head. It's a civilized enough day. Wake up on my usual hour coz the kids aren't here. Next week it's a harder day for me. Pero sigurado sulit naman coz I get to be with my niece and nephew and sometimes teach them stuff and take care of them. Hope to God that He will guide me through those days.

Nakaburol pa rin ang labi ni Aleli (AJ) sa baba. Too young to have died dahil sa low potassium. They'll pass this test. Aga nabiyudo ni Isaiah.

Wala pa akong ibang maikwento today. I'm just waiting for stuff. Still doing beads para pamigay sa Pasko. And some dolls if ever me magorder uli, wish it will. Gusto ko sana pabenta ke Fei, kaso don't know if she can do it. So as long as I can do dolls I'll do it. Dami pa naman kasing materials for that. Para din me magawa ako at malibang. Maisip din na productive ang days ko. I'm happy at the moment, quite content kahit minsan eh nakakaramdam sa katawan ko. Umiiwas na ako sa asin pero natempt uli ako sa ihaw. Well, minsan lang naman. I'll catch up on my reading. Di kasi ganon kainteresting ang binabasa ko. Pero marami pa namang nakatengga. Siguro dito muna. Pag me pagkakataon na lng uli.

Friday, October 7, 2011

It's a hard day

Don't mind the title. Yan lang kasi ang unang pumasok sa isip ko na title. It's raining kasi and this past days we encountered great storms that left the Philippines w/ high floods and devastated people who haven't eaten for a long time now.

The true date today is October 8, 2011, A Saturday.
I'm chatting once again w/ Ate Dhole. She's super busy. I hope I am, too.
Me dilemna ako na medyo gusto ko idiscuss here para maisiwalat ko siya. It's about me taking care of ate's kids and her paying me. I so wanted the job, and maybe because of the money na din. Hope she gives me a chance to earn it. Full ang head ko recently. I was thinking of my past jobs that failed. Yung mga jobs ko na di tumagal. Sa pag-aalaga sa mga bata madaming points na dapat punan like paggising ng maaga at paghahatid sundo ke Marius. Nitong nakaraang araw nagawa ko namang alagaan ang mga bata sa tulong na rin nila mama. Yun nga lang iniisip ko kung maaga ba ako magigising kasi ang time talaga ng gising ko is 8am. Sana hayaan nilang subukan ko kahit isang buwan lang.

There's also the thought of letting what God wants for me. Na sa Kanya ko na lang ipapaubaya ang pagdedesisyon. Siya na rin naman ang nakakaalam kung ano ang makabubuti at makakayanan ko. So I'm praying to hard pa rin for that.

So this leaves one of my dilemnas. Sulat pa kaya ako ng isa pa?

Friday, February 25, 2011

Shorter Hair

Yesterday nagpagupit ako ke Freda kahit alam kong mas mahal siya kaysa sa iba. 70php ba naman. Pero ok naman ang result kahit pinaiklian ko lang. Medyo bumata ang look ko at di na ako gaanong mukhang losyang o manang. Recently ginaganahan uli akong ayusin ang Frontierville account ko sa Facebook. Medyo maayos ayos na siya. Pero kailangan pa rin ng konting adjustments. Pagdating kasi ng ganitong oras. 4:42pm na eh wala na gaanong mapanood at magawa. Well meron namang knitting and crocheting projects kaso medyo nangangalay na ng husto ang kamay ko. It's February 25 nga pala ngayon, 2011. 25th anniversary ng EDSA 1 at hayun nagcecelebrate ang ibang mga tao. Wala naman akong gaanong maisulat. Ang wish ko lang ay magkaroon ng income at makabili ng mga sitsirya. Wala din naman akong gaanong gusto sa buhay. Yung balak kong DVD Player ay mukhang matatagalan pa. Nakakabigay-bigay si papa ng para sa pagkain. And I'm happy to say na di naman kami nagugutom, minsan nga me excess pang food. May God bless us each day. Kahit na nga recently ay may mga kaguluhan sa ibang bansa tulad ng Egypt, Libya, Yemen at Bahrain. Yung mga bansang nasa Africa at Middle East. Ang sigalot nila ay mga protesta laban sa mga tao sa gobyerno nila. Marami ring karahasang nagaganap at mga kalamidad tulad ng pagputok ng Bulkan, baha at mga iba pa. God Bless the World at sana di naman tayo pabayaan ng Panginoon.

Friday, January 7, 2011

Date and Time

Kailangan pala eh malagyan ng date and time itong entry ko dito dahil mali siya. Like right now It's Jan 7, 2011 na. It's 6:25. Gusto ko sanang sumama sa swimming bukas nila Tita Onet kaso kailangan talaga ng money para sa entrance fee. Hayyyz. Pero I'm not so disappointed. Boring nga dito sa bahay but I guess medyo sanay na ako. Kailangan lang mag-unwind paminsan-minsan. Siguro next time na lang uli ako magpost ng mahaba-haba.

Friday, December 31, 2010

Just Wanna Post for 2011

A New Year ahead for all of us. May it be bountiful and wise. Hehe. Wala lang gusto ko lang magpost ng bagong blog dito sa aking pier 17 compilation/ whatever you call it. Kasi bagong taon na at mukhang promising ang taong to. Bida ang yellow ngayong year of the rabbit and that's according to what ate Rina saw on TV. We're great naman. Me myself I'm coping and very thankful na gradually ay nagkakaroon ako ng progress. Yun nga lang iniisip ko ang income ko. Sang lupalop o planeta kaya ako makakahanap uli ng pagbebentahan? Maylyn suggested that I do business with her so that's an option then there's the net. Basta lang gagawa ako ng iba't-ibang design of what I can come up to. And then sana magclick. I need to research (once again) about this stuff. And then there's knitting na gusto ko ring lumago ang kakayahan kong yon. It's a Saturday and still early. Post na lang uli ako next time.

Wednesday, December 8, 2010

It's a December

Nafulfill ko na ang 2/3 ng general cleaning plans ko. Malapit ko na mafill ang mga aginaldo ko sa inaanaks. Ginawa ko nang tig-2 sila kasi baka mabitin. Di ko na bibigyan ng money since wala ako non. Nauudlot ang pagbabayad sa mga raket ko. But hopefully bukas talagang makuha ko na siya. Well, it's been swell. Di na ako nagbabasa. And naubos na ang mga means ko sa paggawa. Kailangan ko na ulit ireplenish ang mga materials na kailangan ko + I have to treat mama to a lumpiang ubod and pay her for the load I get. Anyways, It's a December. Hope fulfilling ang days ahead specially Christmas and New Year. These are the days.

Mabagal ang Internet. Puro Frontierville na lang ang nilalaro ko sa Facebook. It's a merry merry month.

Tuesday, November 9, 2010

Mama's Bday

60th bday na ni mama sa huwebes pero mukhang wala akong maiaambag. Sila me kanya2x nang mga balak bilhin sa bday niya. Wala kasi akong pera. Gusto ko sana kahit bulaklak lang or something. Or maybe magdrape ako ng mga sign, ganon. But I don't have the strength to fulfill this. Sa Lunes pa kasi ako magkakapera at me pinaglalaanan na ang perang yon for me. Ganon ako, kahit wala pa ang pera ay iniisip na kung saan yon gagastusin. Maipagmamalaki ko naman sa ngayon na ang perang yon ay pinaghirapan ko. Hindi kasi yon galing sa allowance na bigay ni Auntie. Galing siya sa crochet rackets ko. Hehe. Gusto ko rin magkaroon ng maraming magagandang beadings. BAlak ko kasing mamigay sa mga pamangkin ko. For now medyo okay na ang mga toys para sa inaanak ko. 2 na lang ang kulang. Sana nga maenjoy nila ang mga toys kahit alam kong mura lang ang mga yon. At yung iba lumang klase na. Well dito muna. Gusto ko lang ibuga ang mga iniisip ko. This blog helps. Wish I could post more intriguing or sensible posts here.